Isaiah 16:5
Isang trono ang maitatatag sa katapatan sa tipan; at isa mula sa tolda ni David ang matapat na uupo doon. Maghuhusga siya habang naghahanap ng katarungan at gumagawa ng katwiran.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Samuel 5:9Kaya nanirahan si David sa kuta at tinawag itong siyudad ni David. Pinatibay niya ang palibot nito, mula sa terasa patungong loob.
2 Samuel 23:3Sinabi ng Diyos ng Israel, sinabi ng Bato ng Israel sa akin, 'Ang isang namumuno nang makatarungan sa mga tao, namumuno ng may takot sa Diyos.
2 Chronicles 31:20Ginawa ni Ezequias ang mga ito sa buong Juda. Ginawa niya kung ano ang mabuti, tama, at tapat sa harapan ni Yahweh na kaniyang Diyos.
Psalms 72:2Hatulan niya nawa ang mga tao nang may katuwiran at ang mahihirap na may katarungan.
Psalms 89:1Magpakailanman kong aawitin ang mga ginawa ni Yahweh sa kaniyang katapatan sa tipan. Ihahayag ko sa mga susunod na salinlahi ang iyong pagiging totoo.
Psalms 96:13sa harapan ni Yahweh, dahil siya ay darating. Siya ay darating para hatulan ang daigdig batay sa katuwiran at ang mga tao batay sa kanyang katapatan.