Isaiah 18:6
Iiwanan sila para sa mga ibon ng kabundukan at para sa mga hayop ng kalupaan. Magsisilbi silang pagkain para sa mga ibon sa tag-araw, at sa mga hayop sa lupa sa panahon ng tag-lamig.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Isaiah 14:19Pero hindi ka kabilang sa iyong libingan gaya ng isang sangang tinapon, matatabunan ka ng mga patay gaya ng isang damit, sa mga natusok ng espada - sa mga nahulog sa mga batuhan ng hukay.
Isaiah 56:9Lahat kayong mga ligaw na hayop sa parang, magsiparito kayo at lumamon, lahat kayong mga hayop sa kagubatan!
Jeremiah 15:3Ito ang pahayag ni Yahweh: Sapagkat itatalaga ko sila sa apat na pangkat. Ang espada ay upang patayin ang ilan, ang mga aso ay upang kaladkarin ang ilan palayo, ang mga ibon sa kalangitan at ang mga mababangis na hayop sa daigdig ay upang kainin at wasakin ang ilan.
Ezekiel 32:4Pababayaan kita sa lupain! Ihahagis kita sa isang parang at padadapuin ko sa iyo ang lahat ng mga ibon sa kalangitan; ang pagka-gutom ng lahat ng mga nabubuhay na mga hayop sa lupa ay mabubusog sa iyo.
Revelation 19:17Nakita ko ang isang anghel na nakatayo sa araw. Tinawag niya nang may malakas na tinig ang lahat na mga ibong lumilipad sa ibabaw ng kaniyang ulo. “Halikayo sama-samang magtipon para sa dakilang hapunan ng Diyos.