The Bible Software
bible.softwareIsaiahIsaiah 19 › Isaiah 19:13

Isaiah 19:13

Naging hangal ang mga prinsipe ng Soan, nalinlang ang mga prinsipe ng Memfis; niligaw nila ang Ehipto, ang panulukang bato ng kaniyang mga tribo.

Ang Biblia (Tagalog)

In The King James Version

The princes of Zoan are become fools, the princes of Noph are deceived; they have also seduced Egypt, even they that are the stay of the tribes thereof.

In Context

12Nasaan ngayon ang matatalino mong mga tao? Hayaan mong sabihin nila sa iyo at ipahayag kung ano ang mga plano ni Yahweh ng mga hukbo tungkol sa Ehipto.

14Nilagay ni Yahweh sa kanilang kalagitnaan ang espiritu ng kaguluhan, at niligaw nito ang Ehipto sa lahat ng kaniyang ginagawa, gaya ng isang lasing na sumusuray-suray sa kaniyang suka.

Read all of Isaiah 19

Cross References

Numbers 24:17Nakita ko siya, ngunit siya ay wala ngayon dito. Tiningnan ko siya, ngunit hindi siya malapit. Isang tala ang lalabas mula kay Jacob, at lilitaw ang isang setro mula sa Israel. Dudurugin niya ang mga pinuno ng Moab at lilipulin lahat ng mga kaapu-apuhan ni Set.

Isaiah 19:11Ganap na hangal ang mga prinsipe ng Soan. Naging walang kabuluhan ang payo ng pinakamatalinong taga-payo ng Paraon. Paano mo nasasabi sa Paraon, “Ako ang anak ng matatalinong tao, isang anak ng sinaunang mga hari”?

Jeremiah 44:1Ito ang salitang dumating kay Jeremias tungkol sa lahat ng mga taga-Juda na nanirahan sa lupain ng Egipto, ang mga naninirahan sa Migdol, Tafnes, Memfis, at sa lupain ng Patros.

Jeremiah 46:19Ihanda ninyo para sa inyong mga sarili ang inyong dalahin para sa pagkabihag, kayong mga anak na babae na naninirahan sa Egipto. Sapagkat magiging isang katatakutan at isang pagkawasak ang Memfis upang walang sinuman ang maninirahan doon.

Ezekiel 30:16Pagkatapos, susunugin ko ng apoy ang Egipto. Magiging labis ang kahirapan ng Pelesium at ang Tebez ay mawawasak. Araw-araw ay magkakaroon ng mga kaaway ang Memfis!

Zechariah 10:4Magmumula sa kanila ang panulukang bato, magmumula sa kanila ang tulos ng tolda, magmumula sa kanila ang panang pandigma; magmumula sa kanila ang bawat pinuno.

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Almeida (Português)Luther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)聖經 (中文)성경 (한국어)الكتاب المقدس (العربية)बाइबल (हिन्दी)Biblia (Kiswahili)Bibbia Diodati (Italiano)Alkitab (Bahasa Indonesia)Kinh Thánh (Tiếng Việt)

Study Isaiah 19:13

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeJohn WesleyJohn CalvinKeil and DelitzschScofieldFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
← Isaiah 19:12Isaiah 19Isaiah 19:14 →