Isaias 19:25
pagpapalain sila ni Yahweh ng mga hukbo at sasabihin, “Pagpalain ang Ehipto, ang aking bayan; ang Asiria, ang gawa ng aking mga kamay; at ang Israel, ang aking mana.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 6:27Sa ganitong paraan dapat nilang ibigay ang aking pangalan sa mga tao ng Israel. At pagpapalain ko sila.”
Deuteronomy 32:9Dahil ang bahagi ni Yahweh ay ang kaniyang mga tao; si Jacob ang kaniyang bahaging mana.
Psalms 100:3Kilalalanin ninyo na si Yahweh ay Diyos; siya ang gumawa sa atin, at tayo ay sa kanya. Tayo ang kanyang bayan at mga tupa sa kanyang pastulan.
Psalms 138:8Kasama ko si Yahweh hanggang sa huli; Yahweh panatilihin mo ang iyong katapatan sa tipan magpakailanman; huwag mong pabayaan ang mga nilikha ng iyong mga kamay.
Isaiah 45:11Ito ang sinasabi ni Yahweh, ang Banal ng Israel, kaniyang Manlilikha: tungkol sa mga bagay na darating, tinatanong ninyo ba ako tungkol sa aking mga anak? Sasabihin niyo ba sa akin kung ano ang gagawin ko sa gawa ng aking mga kamay?'
Isaiah 61:9Ang kanilang mga kaapu-apuhan ay makikilala sa kalagitnaan ng mga bansa, at ang kanilang mga anak sa kalagitnaan ng mga tao. Lahat ng nakakakita sa kanila ay kikilalanin sila, silang bayan na pinagpala ni Yahweh.