Isaiah 2:7
Puno ng pilak at ginto ang lupain nila, at walang hanggan ang yaman nila; puno ng mga kabayo ang lupain nila, maging ang mga karwahe nila, hindi rin mabilang.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 17:16Pero hindi dapat siya magparami ng mga kabayo para sa kaniyang sarili o magdulot sa mga tao na bumalik sa Ehipto para sila ay magparami ng mga kabayo, dahil sinabi ni Yahweh sa inyo, 'Mula ngayon hindi na dapat kayo bumalik sa daang iyon.'
1 Kings 10:21Lahat ng iniinumang tasa ni Haring Solomon ay ginto, at lahat ng mga iniinumang tasa sa Palasyo ng Kagubatan ng Lebanon ay purong ginto. Walang pilak, dahil ang pilak ay hindi itinuturing na mahalaga noong panahon ni Solomon.
Job 3:15O kaya naman ay nakahiga na kasama ang mga prinsipe na minsan nang nagkaroon ng maraming ginto, na pinuno ang kanilang mga bahay ng pilak.
Isaiah 30:16Sinabi ninyo, 'Hindi, dahil tatakas kami sakay ng mga kabayo,' kaya tatakas nga kayo; at, ' Sasakay kami sa matutulin na mga kabayo,' kaya ang mga hahabol sa inyo ay magiging matulin.
Jeremiah 5:27Katulad ng hawla na punung-puno ng mga ibon, ang kanilang mga bahay ay punung-puno ng panlilinlang. Kaya dumami sila at naging mayaman.
Micah 5:10“Mangyayari ito sa araw na iyon,” sinabi ni Yahweh “na aking wawasakin ang inyong mga kabayo kasama ninyo at gigibain ko ang inyong mga karwahe.