Isaiah 21:9
Paparating na ang mangangarwahe nang may kasamang hukbo, mga pares ng mangangabayo. Sumisigaw siya, “Bumagsak na, bumagsak na ang Babilonia, at nawasak ang lahat ng rebulto ng mga diyus-diyosan na sira sa lupa.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Isaiah 14:4aawit kayo ng awiting panghamak laban sa hari ng Babilonia, “Paano natapos ang nang-aapi, ang pagmamataas nila ay tapos na!
Jeremiah 50:2“Ipahayag mo sa mga bansa at maging dahilan upang makinig sila. Magbigay ka ng isang hudyat at maging dahilan upang makinig sila. Huwag mo itong ilihim at sabihin mo, “Nasakop na ang Babilonia at nalagay na sa kahihiyan ang Bel. Nanlupaypay na ang Merodac. Nalagay sa kahihiyan ang kanilang mga diyus-diyosan, nasira ang mga imahen nito.'
Jeremiah 50:29“Ipatawag ang mga mamamana laban sa Babilonia, ang lahat ng mga bumabaluktot ng kanilang mga pana. Magkampo kayo laban sa kaniya, at huwag hayaang may makatakas. Gantihan ninyo siya sa kaniyang mga nagawa. Gawin din ninyo sa kaniya ayon sa sukat na kaniyang ginamit. Dahil kinalaban niya si Yahweh, ang Banal ng Israel.
Jeremiah 50:42Magdadala sila ng mga pana at mga sibat. Malulupit sila at walang awa. Gaya ng ugong ng dagat ang kanilang tunog at nakasakay sila sa mga kabayo na tila nakaayos na mandirigma laban sa inyo, anak ng Babilonia.
Jeremiah 51:27“Magtaas kayo ng isang bandila sa mundo. Hipan ninyo ang trumpeta sa lahat ng mga bansa. Italaga ninyo ang mga bansa upang lusubin siya. Ipamalita ninyo sa mga kaharian ng Ararat, Mini at Askenaz ang tungkol sa kaniya, magtalaga kayo ng isang pinuno ng mga kawal upang salakayin siya, magdala kayo ng mga kabayo tulad ng napakaraming balang.
Jeremiah 51:47Kaya nga tingnan, darating ang mga araw na parurusahan ko ang mga inukit na diyus-diyosan ng Babilonia. Mapapahiya ang lahat ng kaniyang lupain at lahat ng kaniyang mga pinatay ay mahuhulog sa kaniyang kalagitnaan.