Isaiah 22:4
Kaya sinabi ko, “Huwag ninyo akong tingnan, mapait akong hahagulgol; huwag niyo akong subukang aliwin dahil sa pagkawasak ng anak na babae ng aking bayan.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Ruth 1:20Pero sinabi niya sa kanila, “Huwag ako tawaging Naomi. Tawagin akong Maramdamin, dahil ang Maykapal ay sobrang nagdaramdam sa akin.
Psalms 77:2Sa mga araw ng aking mga kaguluhan, hinanap ko ang Panginoon; sa gabi, inunat ko ang aking mga kamay, at hindi nito nagawang mapagod. Tumanggi akong mapanatag.
Isaiah 33:7Pagmasdan mo, umiyak ang kanilang mga sugo sa mga lansangan; kinatawang umaasa para sa kapayapaan ay nanangis nang may kalungkutan.
Jeremiah 6:26Anak na babae ng aking mga tao, magsuot kayo ng damit-panluksa at gumulong sa alikabok ng isang paglilibing para sa kaisa-isang anak. Magsagawa kayo ng mapait na paglilibing para sa inyong mga sarili sapagkat biglang darating sa atin ang taga-wasak.
Jeremiah 9:1Kung maaari lamang magpalabas ng tubig ang aking ulo at maging bukal ng luha ang aking mga mata! Sapagkat nais kong umiyak sa umaga at gabi para sa mga anak ng aking mga tao na pinatay.
Jeremiah 31:15Ito ang sinasabi ni Yahweh, “Isang tinig ang narinig sa Rama na nananaghoy at mapait na nagluluksa. Ito ay si Raquel na umiiyak para sa kaniyang mga anak. Tumanggi siyang paaliw sa kanila, sapagkat sila ay patay na.”