Isaiah 24:18
Siyang tumakas mula sa tunog ng takot ang mahuhulog sa hukay, at siyang umahon sa kalagitnaan ng hukay ay mahuhuhli sa silo. Magbubukas ang bintana ng kalangitan, at ang pundasyon ng mundo ay mayayanig.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
17Matinding takot, ang hukay, at ang patibong ang sasainyo, mga naninirahan sa mundo.
19Ang mundo ay ganap na masisira. ang mundo ay mahahati sa gitna; ang mundo ay marahas na mayayanig.
Cross References
Genesis 19:24Pagkatapos, nagpaulan sa Sodoma at Gomora ng asupre at apoy si Yahweh mula sa kalangitan.
Joshua 10:10At nilito ni Yahweh ang mga kaaway sa harap ng Israel— na kung saan napatay sila sa isang malawakang pagpatay sa Gabaon, at tinugis sila sa daan paakyat ng Beth Horon, at pinatay sila sa daan ng Azeka at Maceda.
2 Kings 7:2Pagkatapos ang kapitan na kanang kamay ng hari ay sumagot sa lingkod ng diyos, at sinabi, “Masdan mo, kahit na gumawa si Yahweh ng bintana sa langit, maaari bang mangyari ito?” Tumugon si Eliseo, “Masasaksihan mo itong mangyari gamit ang sarili mong mga mata, pero hindi ka makakakain mula dito.”
Job 20:24Bagaman tatakas ang taong iyon sa bakal na sandata, patatamaan siya ng isang tanso na pana.
Psalms 18:8Umangat ang usok na lumabas mula sa kaniyang ilong, at naglalagablab na apoy ang lumabas mula sa kaniyang bibig. Nagbaga ang mga uling dahil dito.
Psalms 46:2Kaya nga, hindi kami matatakot, kahit na ang lupa ay mabago, kahit na ang mga kabundukan ay mayanig papunta sa puso ng karagatan,