Isaiah 24:3
Ganap na masisira ang mundo at ganap na huhubaran; dahil sinabi na ni Yahweh ang salitang ito.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
The land shall be utterly emptied, and utterly spoiled: for the LORD hath spoken this word.
In Context
Cross References
Leviticus 26:30Gigibain ko ang inyong mga altar, puputulin ko ang inyong mga altar ng insenso, at itatapon ang inyong mga bangkay sa ibabaw ng bangkay ng inyong mga diyos-diyosan, at ako mismo, kasusuklaman kayo.
Deuteronomy 29:28Binunot sila ni Yahweh mula sa kanilang lupain sa galit, sa poot, at sa matinding galit, at itinapon sila sa ibang lupain, gaya ng ngayon.'
Isaiah 6:11Pagkatapos sinabi ko, “Panginoon, hanggang kailan?” Sumagot siya, “Hanggang sa mawasak ang mga lungsod at mawalan ng naninirahan dito, at mawalan ng tao ang mga bahay, at nakatiwangwang ang lupain,
Isaiah 22:25Sa panahon na iyon—ito ang kapahayagan ni Yahweh ng mga hukbo—bibigay ang pakong kahoy na nakabaon, mababali, at malalaglag, at mapuputol ang pabigat na nakalagay dito—dahil nagsalita na si Yahweh.
Isaiah 42:22Pero ito ang mga taong nanakawan at nasamsaman; silang lahat ay nakulong sa mga hukay, nabihag sa mga bilangguan; sila ay naging isang inagaw na walang sinumang makakasagip sa kanila at walang makakapagsabi, “ibalik sila!”
Ezekiel 36:4Kaya nga, mga kabundukan ng Israel, makinig sa salita ng Panginoong Yahweh: Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh sa mga kabundukan at sa matataas na mga burol, sa mga daanan ng tubig at mga lambak, sa mga walang nakatira at mapanglaw na lugar at sa napabayaang mga lungsod na sinamsam at isang paksa ng panunukso para sa ibang mga bansa na nakapalibot sa kanila—