Isaiah 24:6
Kaya nilamon ng sumpa ang mundo, at napatunayan na ang naninirahan dito ay maysala. Sinunog ang mga naninirahan sa mundo, at kaunting tao lang ang natira.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
7Natuyo ang bagong alak, nabulok ang ubasan, lahat ng masasayang puso ay naghihinagpis.
Cross References
Leviticus 26:22Magpapadala ako ng mapanganib na mga hayop laban sa inyo na magnanakaw ng inyong mga anak, lilipol ng inyong mga baka at magpapakaunti ng inyong bilang. Kaya magiging pinabayaan ang inyong mga daanan.
Deuteronomy 28:15Pero kung hindi kayo makikinig sa boses ni Yahweh na inyong Diyos, at sundin ang lahat ng kaniyang mga kautusan at kaniyang mga batas na sinasabi ko sa inyo ngayon, darating ang mga sumpang ito sa inyo at matatabunan kayo.
Deuteronomy 29:22Ang darating na salinlahi, ang mga anak ninyo na lilitaw pagkatapos ninyo, at ang dayuhan na nagmula sa isang malayong lupain, ay magsasalita kapag nakita nila ang mga salot sa lupaing ito at ang mga karamdaman na ginawa ni Yahweh —
Joshua 23:15Pero gaya ng bawat salitang ipinangako ni Yahweh na inyong Diyos sa inyo ay natupad, kaya magdadala si Yahweh sa inyo ng lahat ng mga masasamang bagay hanggang sa mawasak niya kayo mula sa mabuting lupain na ito na ibinigay ni Yahweh na inyong Diyos sa inyo.
2 Kings 25:12Pero iniwan ng pinuno ng tanod ang ilan sa pinakamahihirap ng bayan para gumawa sa mga ubasan at mga bukirin.
Isaiah 1:31Ang malakas ay magiging tulad kusot, at ang ginagawa nila ay magiging tulad ng kislap; magkasama silang masusunog at walang aapula sa mga ito.”