Isaias 26:11
Yahweh, nakataas ang iyong kamay, pero hindi nila ito napapansin. Pero makikita nila ang iyon kasigasigan para sa mga tao at sila ay mapapahiya, dahil ang apoy ng iyong mga kaaway ay lalamunin sila.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 9:14Sa oras na ito ipapadala ko ang lahat ng mga salot sa iyo mismo, sa iyong mga lingkod at sa iyong bayan. Gagawin ko ito para malaman mo na walang sinuman ang katulad ko dito sa buong mundo.
1 Samuel 6:9Pagkatapos masdan ninyo; kung pupunta ito sa daan patungo sa sarili nitong lupain sa Beth-semes, kung gayon si Yahweh ang nagpatupad nitong malaking sakuna. Ngunit kung hindi, saka natin malalaman na hindi ang kanyang kamay ang nagpahirap sa atin; sa halip, malalaman nating nagkataon lang na nangyari ito sa atin.”
Psalms 10:12Bumangon ka, Yahweh; itaas mo ang iyong kamay sa paghatol, O Diyos. Huwag mong kalimutan ang mga api.
Psalms 28:5Dahil hindi nila nauunawaan ang mga paraan ni Yahweh o ang gawa ng kaniyang mga kamay, sila ay kaniyang pupuksain at hindi kailanman itatayong muli.
Isaiah 5:24Kaya nga, gaya ng pinaggapasan na nilamon ng dila ng apoy at tuyong damo na sinunog, gayundin ang ugat nila ay matutuyot, at bulaklak nito ay tatangayin na parang alikabok, dahil itinakwil nila ang batas ni Yahweh ng mga hukbo, at nilapastangan ang salita ng Banal ng Israel.
Isaiah 11:13Ititigil niya ang inggit ng Efraim, at aalisin niya ang mga laban sa Juda. Hindi na maiinggit ang Efraim sa Juda, at hindi na laban ang Juda sa Efraim.