Isaias 26:15
Pinaunlad mo ang bansa, Yahweh, pinaunlad mo ang bansa; pinarangalan ka; pinalawak mo ang mga hangganang ng lupain.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 13:16At gagawin kong kasindami ng alikabok sa lupa ang iyong mga kaapu-apuhan, kaya kung mabibilang ng isang tao ang alikabok ng mundo, sa gayon ay mabibilang din ang mga kaapu-apuhan mo.
Deuteronomy 4:27Ikakalat kayo ni Yahweh sa mga tao, at magiging kunti na lamang ang matitira sainyo sa mga bansa, kung saan si Yahweh ay pangungunahan kayo papalayo.
Deuteronomy 28:25Si Yahweh ang magdudulot na pabagsakin kayo sa harapan ng inyong mga kaaway; lalabas kayo sa isang daanan laban sa kanila, at tatakas sa pitong mga daanan sa harapan nila. Pagpapasa-pasahan kayo doon at saanman sa lahat ng kaharian ng mundo.
Deuteronomy 32:26Sinabi ko na ikakalat ko sila ng malayo, para mapawi ang kanilang alaala mula sa sangkatauhan.
2 Kings 17:6Sa ika-siyam na taon ni Hosea, sinakop ng hari ng Asiria ang Samaria at dinalang bihag ang Israel sa Asiria. Dinala niya sila sa Hala, sa Ilog Habor sa Gozan, at sa mga lungsod ng Medes.
2 Kings 23:27Kaya sinabi ni Yahweh, “Aalisin ko rin ang Juda mula sa aking paningin, tulad ng pag-aalis ko sa Israel, at itatapon ko ang lungsod na ito na aking pinili, Jerusalem, ang tahanan na sinabi kong, 'Malalagay doon ang aking pangalan.'”