Isaiah 27:8
Sa wastong panukat ikaw ay nakipaglaban, itinaboy si Jacob at ang Israel palayo; hinayaan mo silang matangay palayo sa pamamagitan ng iyong matinding hangin, sa araw ng hanging silanganan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Job 23:6Makikipagtalo ba siya laban sa akin sa kadakilaan ng kaniyang kapangyarihan? Hindi, pakikinggan niya ako.
Psalms 38:1Yahweh, huwag mo akong sawayin sa iyong galit at huwag akong parusahan sa iyong poot.
Psalms 78:38Gayumpaman, siya ay naging maawain, pinatawad niya ang kanilang labis na kasalanan at hindi sila winasak. Oo, maraming beses niyang pinigil ang kaniyang galit at hindi pinukaw lahat ang kaniyang matinding galit.
Psalms 103:14Dahil alam niya kung paano tayo binuo; alam niya na tayo ay alabok.
Isaiah 1:18“Halika at pag-usapan natin ito,” sabi ni Yahweh; “bagaman ang mga kasalanan ninyo ay tulad ng iskarlata, magiging kasing-puti ng bulak ang mga ito; bagaman pula sila tulad ng krimson, magiging tulad sila ng lana.
Isaiah 10:5Anong kapighatian ang nakalaan sa mga taga-Asiria, ang pamalo ng aking galit, ang pamalo ng aking poot!