Isaiah 28:1
Kaawaan ang ipinagyayabang na kwintas na bulaklak ng mga lasenggo ng Efraim at sa kumukupas na bulaklak ng kanyang maluwalhating kagandahan, na nasa tuktok ng masaganang lambak ng mga lango sa alak!
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Kings 14:25Ibinalik niya ang hangganan ng Israel mula sa Lebo Hamat hanggang dagat ng Araba, bilang katuparan sa salita ni Yahweh, ang Diyos ng Israel, na kaniyang sinabi sa pamamagitan ng kaniyang lingkod na si Jonas anak ni Amitai, ang propeta, na nagmula sa Gat-hefer.
2 Kings 18:10Sa katapusan ng ikatlong taon ay kinuha nila ito, sa ika-anim na taon ni Hezekias, na ika-siyam na taon ni Hoshea na hari ng Israel; sa ganitong paraan ay nasakop ang Samaria.
2 Chronicles 30:6Kaya pumunta sa buong Israel at Juda ang tagapagdala ng sulat na dala-dala ang sulat mula sa hari at sa kaniyang mga pinuno, ayon sa utos ng hari. Sinabi nila, “Kayong mga taga-Israel, manumbalik kayo kay Yahweh, ang Diyos ni Abraham, Isaac, at Israel, upang muli siyang bumalik sa mga nalalabi sa inyo na nakatakas mula sa kamay ng mga hari ng Asiria.
Isaiah 5:11Kaawa-awa sila na bumabangon nang maaga para maghanap ng matapang na alak; sila na nagkakasiyahan sa hating-gabi hanggang malunod sila sa kalasingan!
Isaiah 7:8dahil ang kabisera ng Aram ay Damascus, at ang pinuno ng Damascus ay si Rezin. Sa loob naman ng animnapu't limang taon, ang Efraim ay magkakawatak-watak at hindi na muling magiging bayan.
Isaiah 8:4Sapagkat bago pa lang matutong sumigaw ang bata ng 'Aking tatay' at 'Aking nanay,' ang kayamanan ng Damasco at ang nasamsam ng Samaria ay dadalhin ng hari ng Asiria.