Isaiah 28:21
Aakyat si Yahweh tulad ng sa Bundok ng Perazim; gigisingin niya ang kanyang sarili tulad ng sa lambak ng Gideon para gawin ang kanyang gawain, ang kanyang kakaibang trabaho, at isakatuparan ang kanyang kakaibang gawa.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 29:21Ibubukod siya ni Yahweh para sa sakuna na mula sa lahat ng mga lipi ng Israel, sa pagsunod sa lahat ng mga sumpa ng tipan na nakasulat sa aklat ng batas na ito.
Joshua 10:11Habang tumatakbo sila mula sa Israel, pababa sa burol ng Beth Horon, hinulog ni Yahweh sa kanila ang mga malalaking bato mula sa langit hanggang sa Azeka, at namatay sila. Mas marami ang namatay dahil sa mga bato kaysa sa mga napatay sa pamamagitan ng mga espada sa mga kalalakihan ng Israel.
2 Samuel 5:20Kaya sinalakay ni David ang Baal Perazim, at doon tinalo niya sila. Sinabi niya, “Pinatumba ni Yahweh ang aking mga kalaban sa aking harapan katulad ng isang rumaragasang tubig baha.” Kaya naging Baal Perazim ang pangalan ng lugar na iyon.
1 Chronicles 14:11Kaya, pumunta sila sa Baal-perazim at tinalo ang mga Filisteo doon. Sinabi niya, “Nilupig ni Yahweh ang aking mga kaaway sa pamamagitan ng aking mga kamay tulad ng rumaragasang tubig baha.” Kaya ang pangalan ng lugar na iyon ay Baal-perazim.
Isaiah 10:12Kapag natapos na ang ginagawa ng Diyos sa Bundok ng Sion at sa Jerusalem, siya ay magsasabi ng “paparusahan ko ang mga kayabangan na sinabi ng hari ng Asiria at kaniyang mapagmataas na hitsura.
Isaiah 29:14Kaya nga, tingnan ninyo, magpapatuloy akong gumawa ng kamangha-manghang bagay sa mga taong ito, kababalaghan kasunod ng isa pang kababalaghan. Ang karunungan ng kanilang matatalinong tao ay mawawala, at ang pang-unawa ng kanilang mga nakakaunawang mga tao ay maglalaho.”