Isaiah 3:7
Sa araw na iyon, sisigaw siya at sasabihing, 'Hindi ako magiging manggagamot; wala akong tinapay ni damit. Hindi mo ako maaaring gawing tagapamahala ng mga tao.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 32:40Dahil itinaas ko ang aking kamay sa langit at sinabing, 'Habang ako ay nabubuhay magpakailanman, ako ay kikilos.
Jeremiah 14:19Ganap mo bang tinalikuran ang Juda? Galit ka ba sa Zion? Bakit mo kami hinahayaang magkasakit gayong walang kagalingan sa amin? Naghangad kami ng kapayapaan, ngunit walang anumang kabutihan. Ngunit tingnan ninyo, para sa oras ng kagalingan, kaguluhan lamang ang mayroon.
Ezekiel 34:4Hindi ninyo pinalakas ang mga may sakit, at hindi ninyo pinagaling ang mga may karamdaman. Hindi ninyo binendahan ang mga may pilay, at hindi ninyo pinanumbalik ang mga naitaboy o hinanap ang nawawala. Sa halip, pinamunuan ninyo sila sa pamamagitan ng lakas at karahasan.
Hosea 6:1Halikayo, manumbalik tayo kay Yahweh. Sapagkat pinagpira-piraso niya tayo, ngunit pagagalingin niya tayo; Sinugatan niya tayo, ngunit tatalian niya ang ating mga sugat.