Isaiah 33:9
Ang lupain ay nagdadalamhati at natutuyot; ang Lebanon ay nalalanta at natutuyot; ang Sharon ay tulad ng isang patag na disyerto; at ang Bashan at Carmelo ay nagpapagpag ng kanilang mga dahon.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
10“Ngayon babangon ako,” sabi ni Yahweh; “Ngayon maitataas ako; ngayon ako ay itataas.
Cross References
Deuteronomy 3:4Kinuha natin ang lahat ng kaniyang mga lungsod nang panahong iyon; walang ni isang lungsod ang hindi natin kinuha mula sa kanila: animnapung mga lungsod—lahat ng rehiyon ng Argob, ang kaharian ni Og sa Bashan.
Song of Solomon 2:1Ako ay isa lamang bulaklak na nasa isang kapatagan, isa lamang liryo na nasa isang lambak. Nagsasalita sa kaniya ang lalaki.
Isaiah 2:13at laban sa lahat ng sedar ng Lebanon na mataas at inangat, at laban sa mga owk ng Bashan,
Isaiah 14:8Nagdiriwang maging ang mga puno ng pir sa mga sedar ng Lebanon; sabi nila, 'Ngayong naputol ka na, walang tagaputol ng puno ang pupunta dito para putulin tayo.'
Isaiah 24:4Manunuyo at malalanta ang mundo, mabubulok at maglalaho ang mundo, mabubulok ang mga kilalang tao sa lupa.
Isaiah 35:2Ito ay mamumulaklak ng masagana at magsasaya na may kagalakan at awitan; ang kaluwalhatian ng Lebanon ay ibibigay dito, ang karangyaan ng Carmelo at Sharon; makikita nila ang kaluwalhatian ni Yahweh, ang karangyaan ng ating Diyos.