Isaiah 35:1
Ang ilang at ang Araba ay magagalak; at ang ilang ay magsasaya at mamumulaklak gaya ng rosas.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Psalms 97:8Narinig ng Sion at natuwa, at ang mga bayan ng Juda ay nagalak dahil sa iyong matuwid na mga kautusan, Yahweh.
Isaiah 27:6Sa darating na araw, lalalim ang ugat ni Jacob; at ang Israel ay mamumulaklak at uusbong; at pupunuin nila ng bunga ang ibabaw ng lupa.”
Isaiah 29:17Hindi magtatagal, magiging isang bukid ang Lebanon, at ang bukid ay magiging isang gubat.
Isaiah 40:3May isang tinig na sumisigaw, “ihanda ang daan ni Yahweh sa ilang; sa Araba, lumikha ng tuwid na daanan para sa ating Diyos.”
Isaiah 51:3Oo, aaliwin ni Yahweh ang Sion; aaliwin niya ang kaniyang mga napabayaang lugar; ang kaniyang ilang ay ginawa niyang parang Eden, at ang kaniyang mga disyerto sa tabi ng lambak ng Ilog Jordan na parang hardin ni Yahweh; kagalakan at kaligayahan ay matatagpuan sa kaniya, pasasalamat, at ang tunog ng pag-awit.
Isaiah 55:12Dahil lalabas kayo ng may kagalakan at magpapatuloy ng may kapayapaan; ang mga bundok at mga burol ay mag-uumpisang sumigaw nang may kagalakan sa inyong harapan at lahat ng mga puno sa mga bukirin ay ipapalakpak ang kanilang mga kamay. Sa halip na mga matitinik na halaman, tutubo ang mga luntiang halaman;