Isaiah 36:16
Huwag kayong makinig kay Hezekias, dahil ito ang sinasabi ng hari ng Asiria: Makipagkasundo kayo at lumapit sa akin. Pagkatapos ang lahat ay makakakain mula sa kanyang sariling ubasan at mula sa kaniyang sariling puno ng igos, at uminom mula sa tubig ng kanyang sariling balon.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 32:20Sasabihin din ninyo, 'Ang iyong lingkod na si Jacob ay darating kasunod namin.''' Pagkat naisip niya, “Mapapalubag ko siya sa mga regalong pinapadala kong nauna sa akin. Sa gayon maya-maya, kapag nagkita kami, marahil tatanggapin niya ako.”
1 Samuel 11:3Sumagot ang mga nakatatanda ng Jabes, “Iwan muna kami sa loob ng pitong araw para makapagpadala kami ng mga sugo sa buong nasasakupan ng Israel. Pagkatapos, kung walang magliligtas sa amin, susuko kami sa iyo.”
2 Samuel 8:6Pagkatapos inilagay ni David ang mga kuta sa Aram ng Damasco, at naging mga lingkod niya ang mga Arameo at siya ay kinilala. Ibinigay ni Yahweh ang tagumpay kay David saan man siya magtungo.
1 Kings 4:25Ang Juda at Israel ay namuhay sa kaligtasan, bawat lalaki nasa ilalim ng kaniyang puno ng ubas at ilalim ng kaniyang punong igos, mula sa Dan hanggang sa Beer-seba, sa buong buhay ni Solomon.
2 Kings 18:31Huwag kayong makinig kay Hezekias, dahil ito ang sinasabi ng hari ng Asiria: 'Makipagpayapaan kayo sa akin at lumabas kayo at pumunta sa akin. Pagkatapos ang bawat isa sa inyo ay kakain sa sarili niyang ubasan at mula sa sarili niyang puno ng igos, at iinom ng tubig mula sa sarili niyang balon.
Proverbs 5:15Uminom ng tubig mula sa inyong sariling sisidlan, at uminom ng bukal na tubig mula sa inyong sariling balon.