Isaiah 38:16
Panginoon, ang mga pagdurusang mula sa iyo ay mabuti sa akin; nawa ay ibalik mo sa akin ang aking buhay; naibalik mo ang aking buhay at kalusugan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 8:3Ibinaba niya kayo, at ginutom, at pinakain kayo ng manna, na hindi ninyo alam kung ano, ni ng inyong mga ninuno, ni ng inyong mga ama. Ginawa niya ang mga iyon para malaman ninyo na ang mga tao ay hindi lamang nabubuhay sa tinapay, kung hindi, ito ay sa pamamagitan ng bawat salita na nagmumula sa bibig ni Yahweh kaya nabubuhay ang mga tao.
Psalms 30:3Yahweh, hinango mo ang aking kaluluwa mula sa Sheol; pinanatili mo akong buhay mula sa pagbaba sa libingan.
Psalms 119:25Nakakapit sa alabok ang buhay ko! Bigyan mo ako ng buhay sa pamamagitan ng salita mo.
Matthew 4:4Ngunit sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, “Nasusulat, 'Hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao kundi sa bawat salitang lumalabas sa bibig ng Diyos.”'
2 Corinthians 4:17Sapagkat, ang panandalian at bahagyang pagdadalamhati na ito ay naghanda sa amin para sa walang hanggang bigat ng kaluwalhatian na hindi masukat.