Isaiah 38:5
Magtungo ka at sabihin kay Hezekias, ang lider ng aking bayan, 'Ito ang sinabi ni Yahweh, ang Diyos ni David inyong ninuno, nagsasabing: narinig ko ang iyong panalangin, at nakita ko ang iyong mga luha. Tingnan mo, labinlimang taon ang idadagdag ko sa iyong buhay.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
4Pagkatapos dumating ang salita ni Yahweh kay Isaias, sinasabing,
Cross References
1 Kings 8:25Kaya ngayon, Yahweh, Diyos ng Israel, isagawa mo ang iyong ipinangako sa iyong lingkod na si David, na aking ama, noong iyong sinabi, “Hindi ka magkulang na magkaroon ng isang lalaki sa paningin ko na uupo sa trono ng Israel, kung ang iyong kaapu-apuhan ay maingat lamang na lalakad sa aking harapan, gaya ng iyong paglakad sa aking harapan.'
1 Kings 11:12Subalit, alang-alang sa iyong amang si David, hindi ko ito gagawin habang ikaw ay nabubuhay, pero sisirain ko ito sa kamay ng iyong anak na lalaki.
2 Kings 18:2Dalawampu't limang taong gulang siya nang magsimula siyang maghari; naghari siya ng dalawampu't siyam na taon sa Jerusalem. Abija ang pangalan ng kaniyang ina; na anak ni Zecarias.
2 Kings 19:20Pagkatapos nagpadala si Isaias na anak ni Amoz ng mensahe kay Hezekias, sinasabing, “Sinasabi ni Yahweh ang Diyos ng Israel, 'Dahil nanalangin ka sa akin tungkol kay Senaquerib ang hari ng Asiria, narinig kita.
2 Chronicles 34:3Dahil sa ikawalong taon ng kaniyang paghahari, habang siya ay bata pa, sinimulan niyang hanapin ang Diyos ni David na kaniyang ninuno. Sa ikalabing dalawang taon, sinimulan niyang linisin ang Juda at Jerusalem mula sa mga dambana, mga imahen ni Ashera, at mga inukit na mga imahe, at ang mga molde ng imahe na gawa sa metal.
Psalms 6:9Narinig ni Yahweh ang aking pagmamakaawa; tinanggap ni Yahweh ang aking panalangin.