Isaiah 39:2
Si Hezekias ay nagalak sa mga bagay na ito; ipinakita niya sa mensahero ang kanyang imbakan ng mga mahahalagang bagay - ang pilak, ang ginto, ang pabango at mamahaling langis. ang imbakan ng kanyang mga sandata, at lahat ng matatagpuan sa kaniyang mga imbakan. Wala siyang hindi ipinakita sa kanila, sa kaniyang tahanan, ni sa kaniyang kaharian.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Kings 10:10Binigyan niya ang hari ng 120 talentong ginto at malaking halaga ng mga pabango at mga mamahaling mga bato. Wala nang mas higit pang halaga ng mga pabango tulad nitong mga ibinigay ng reyna ng Seba kay Haring Solomon ay kailanman naibigay pa muli sa kaniya.
1 Kings 10:25Ang mga bumisita sa kaniya ay nagdala ng pagpaparangal, mga sisidlang gawa sa pilak at gawa sa ginto, mga damit, mga armas, pampalasa, gayundin ng mga kabayo at mga asno, taon taon.
2 Kings 20:13Nakinig si Hezekias sa mga liham na iyon, at pinakita niya sa mga mensahero ang buong palasyo at ang kaniyang mahahalagang mga gamit, ang pilak, ang ginto, ang mga sangkap at mahalagang langis, at ang imbakan ng kaniyang mga sandata, at lahat ng matatagpuan sa kaniyang mga imbakan. Walang natira sa kaniyang bahay, ni sa lahat ng kaniyang kaharian, ang hindi pinakita ni Hezekias sa kanila.
2 Chronicles 9:9Binigyan niya ang hari ng 120 talento ng ginto at napakaraming sangkap at mga mamahaling bato. Hindi na nakatanggap si Haring Solomon ng kasing dami ng mga sangkap na ibinigay sa kaniya ng reyna ng Sheba
2 Chronicles 32:27Nagkaroon ng maraming kayamanan at karangalan si Ezequias. Nagpagawa siya para sa kaniya ng silid imbakan para sa mga pilak, ginto, mamahaling mga bato at para sa mga pampalasa, at para din sa mga kalasag at para sa lahat ng uri ng mamahaling bagay.
Job 31:25Kung ako ay nagalak dahil labis ang aking kayamanan, dahil kinuha ng aking kamay ang maraming pag-aari;