Isaiah 39:8
Pagkatapos sinabi ni Hezekias kay Isaias, “Ang sinabi ni Yahweh na iyong binanggit ay mabuti.” Dahil kanyang inakala, “Magkakaroon ng kapayapaan at tatatag ang aking mga araw.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 10:3Pagkatapos sinabi ni Moises kay Aaron, “Ito ang tinutukoy ni Yahweh nang sinabi niyang, 'Ihahayag ko ang aking kabanalan sa sinumang lalapit sa akin. Luluwalhatiin ako sa harapan ng lahat ng mga tao.'” Walang kahit anong sinabi si Aaron.
2 Samuel 15:26Pero kung sasabihin niyang, 'Hindi ako nasisiyahan sa iyo; tingnan, narito ako, hayaan siyang gawin sa akin kung ano ang mabuti sa kaniya.”
2 Chronicles 34:28'Tingnan mo, titipunin kita kasama ng iyong mga ninuno at magsasama-sama kayo sa inyong libingan nang payapa, at hindi mo makikita ang anuman sa mga sakunang ibibigay ko sa lugar na ito at sa mga naninirahan dito."”” Kaya dinala ng mga kalalakihan ang mensaheng ito sa hari.
Psalms 39:9Nananahimik ako at hindi binubuksan ang aking bibig dahil sa iyong ginawa.
Lamentations 3:39Paano makakadaing ang sinumang taong nabubuhay? Paaano makakadaing ang sinumang tao tungkol sa kaparusahan ng kaniyang mga kasalanan?
Zechariah 8:19“Ito ang sinabi ni Yahweh ng mga hukbo: 'Ang mga pag-aayuno sa ika-apat na buwan, sa ika-limang buwan, sa ika-pitong buwan, at sa ika-sampung buwan ay magiging panahon ng kagalakan, kasiyahan, at masayang pagdiriwang para sa sambahayan ng Juda! Kaya ibigin ang katotohanan at kapayapaan!''''