Isaiah 4:5
Pagkatapos, lilikha si Yahweh ng ulap at usok sa umaga at ningning ng nag-aalab na apoy sa gabi para sa buong kampo sa Bundok ng Sion at sa kaniyang lugar kung saan sila nagtitipon-tipon; isang silungan ng lahat ng kaluwahatian.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
6Magsisilbi itong lilim para sa init sa araw at kublihan at silungan sa bagyo at ulan.
Cross References
Exodus 14:19Ang anghel ng Diyos, ang siyang pumunta sa mga Israelita, kumilos at nagpunta sa kanilang likuran. Ang haligi ng ulap ay kumilos mula sa kanila at pumunta at tumayo sa kanilang likuran.
Exodus 26:1Dapat gumawa ka ng tabernakulo na may sampung kurtina na yari sa pinong lino na kulay asul, lila, at matingkad na pulang lana na may disenyong kerubin. Gagawin ito ng mahusay na manggagawang lalaki.
Exodus 40:34Pagkatapos binalot ng ulap ang tolda ng pagpupulong, at napuno ng kaluwalhatian ni Yahweh ang tabernakulo.
Numbers 9:15Sa araw na itinayo ang tabernakulo, binalot ng ulap ang tabernakulo, ang tolda ng kautusang tipan. Sa gabi nasa itaas ng tabernakulo ang ulap. Nagpakita ito na parang apoy hanggang sa umaga.
Nehemiah 9:12Ginabayan mo sila sa pamamagitan ng isang haliging ulap sa araw, at sa pamamagitan ng haliging apoy sa gabi, para ilawan ang kanilang daan nang sa gayon makalakad sila sa liwanag nito.
Psalms 85:9Tiyak na ang kaniyang kaligtasan ay malapit sa mga may takot sa kaniya, kaya ang kaluwalhatian ay mananatili sa ating lupain.