Isaias 40:15
Masdan, ang mga bansa ay tulad ng isang patak sa isang sisidlan, at itinuturing na tulad ng alikabok sa timbangan; tingnan, kaniyang tinimbang ang maliliit na mga isla na gaya ng isang puwing
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Job 34:14Kung itatakda lamang ng Diyos ang kaniyang layunin para sa kaniyang sarili, at kung iipunin niya pabalik para sa kaniyang sarili ang kaniyang espiritu at kaniyang hininga,
Isaiah 11:11Sa araw na iyon, muling iuunat ng Panginoon ang kaniyang kamay para mabawi ang nalabi sa kaniyang mga tao sa Asiria, Ehipto, Patros, Etiopia, Elam, Sinar, Hamat, at mga isla sa karagatan.
Isaiah 40:22Siya ang nakaupo sa itaas ng kapatagan ng lupa; at ang mga naniniraha'y tulad ng tipaklong sa harap niya. Kaniyang nilatag ang kalangitan tulad ng isang kurtina at inuunat ito tulad ng isang tolda para matirhan.
Isaiah 59:18Sila ay kaniyang pinagbayad sa kanilang ginawa, galit na paghatol sa kaniyang mga kaaway, paghihiganti para sa kaniyang mga kalaban, sa mga isla ng kaparusahan bilang gantimpala nila.
Jeremiah 10:10Ngunit si Yahweh ang tunay na Diyos. Siya ang buhay na Diyos at hari magpakailanman. Nayayanig ang mundo at hindi kayang tiisin ng mga bansa ang kaniyang galit.
Daniel 11:18Pagkatapos nito, bibigyang pansin ng hari ng Hilaga ang mga baybaying lugar at bibihagin ang marami sa kanila. Ngunit isang pinuno ang pipigil sa kaniyang kalikuan at ibabalik ng pinunong ito ang kaniyang kalikuan sa kaniya.