Isaiah 40:9
Umakyat ka sa mataas na bundok Sion, tagapagdala ng mabuting balita; buong lakas mong itaas ang iyong tinig, ipahayag mo sa Jerusalem ang mga mabuting balita. Sumigaw ka nang malakas; huwag kang matakot. Sasabihin mo sa mga lungsod ng Juda, “Narito ang inyong Diyos!”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Samuel 26:13Pagkatapos pumunta si David sa kabilang dako at tumayo sa tuktok ng bundok sa malayo, isang malayong pagitan ang nasa kanila.
Ezra 1:1Noong unang taon ni Ciro, hari ng Persia, tinupad ni Yahweh ang kaniyang salita na dumating mula sa bibig ni Jeremias at inudyukan ang espiritu ni Ciro. Ang tinig ni Ciro ay narinig sa kaniyang buong kaharian. Ito ang nasusulat at nasabi:
Isaiah 25:9Sasabihin ito sa araw na iyon. Masdan, ito ang ating Diyos, hinintay natin siya at ililigtas niya tayo. Ito si Yahweh; Naghintay tayo para sa kaniya, magagalak tayo at magdidiwang sa kaniyang kaligtasan.”
Isaiah 35:4Sabihin ninyo sa mga taong natatakot na puso, “Maging matapang kayo, huwag matakot! Pagmasdan ninyo, ang inyong Diyos ay darating na may paghihiganti, kasama ang paniningil ng Diyos. Darating siya at ililigtas kayo.”
Isaiah 51:7Makinig kayo sa akin, kayong nakakaalam ng tama, kayong mga taong may batas ko sa inyong puso: Huwag ninyong katakutan ang mga insulto ng mga tao, maging ang mapanghinaan ng loob dahil sa kanilang abuso.
Isaiah 52:6Kaya makikilala ng aking bayan ang pangalan ko; malalaman nila sa araw na iyon na ako nga ang siyang nagsabi nito. Oo, ako nga ito!”