Isaias 42:16
Dadalhin ko ang bulag sa daan na hindi nila alam; dadalhin ko sila sa mga landas na hindi nila alam na dadalhin ko sila. Ang kadiliman ay gagawin kong liwanag sa harap nila at itutuwid ang baluktot na mga lugar. Ang mga bagay na ito ay aking gagawin, at hindi ko sila pababayaan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Joshua 3:4Dapat may pagitan ito ng dalawang libong kubit sa inyo. Huwag kayong lalapit dito, para makita ninyo kung alin ang daraanan, dahil hindi pa ninyo dinaanan ang daang ito dati.”
Ecclesiastes 1:15Ang baluktot ay hindi na maitutuwid. Ang nawala ay hindi na mabibilang.
Isaiah 29:18Sa araw na iyon, maririnig ng bingi ang mga salita ng aklat, at ang mga mata ng bulag ay makakakita mula sa malalim na kadiliman.
Isaiah 30:21Maririnig ng inyong mga tainga ang salita sa inyong likuran na nagsasabing, “Ito ang daan, lakaran ninyo ito,” kapag lumiko kayo sa kanan o kapag lumiko kayo sa kaliwa.
Isaiah 35:5Pagkatapos ang mga mata ng bulag ay makakakita, at ang mga tainga ng bingi ay makakarinig.
Isaiah 40:4Ang bawat lambak ay itataas, at bawat bundok at burol ay papatagin; at ang baku-bakong lupa ay gagawing patag, at papantayin ang mabatong mga lugar;