Isaiah 43:4
Dahil ikaw ay mahalaga at natatangi sa aking paningin, mahal kita; kaya magbibigay ako ng mga tao kapalit mo, at ibang mga tao sa iyong buhay.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 12:2Gagawin kitang isang dakilang bansa, at pagpapalain kita, at gagawin kong dakila ang iyong pangalan at ikaw ay magiging isang pagpapala.
Deuteronomy 4:37Dahil minahal niya ang inyong mga ama, pinili niya ang kanilang kaapu-apuhang kasunod nila, at dinala kayo palabas ng Ehipto kasama ng kaniyang presenya, kasama ng kaniyang dakilang kapangyarihan;
Deuteronomy 14:2Dahil kayo ang isang bansa na inilaan para kay Yahweh na inyong Diyos, at pinili kayo ni Yahweh na maging mga tao para sa kaniyang sariling pag-aari, higit pa sa lahat ng mga tao na nasa ibabaw ng mundo.
Deuteronomy 32:9Dahil ang bahagi ni Yahweh ay ang kaniyang mga tao; si Jacob ang kaniyang bahaging mana.
Psalms 135:4Dahil pinili ni Yahweh si Jacob para sa kaniyang sarili, ang Israel bilang kaniyang pag-aari.
Jeremiah 31:3Nagpakita sa akin si Yahweh noong nakaraan at sinabi, “Minahal kita Israel, ng walang hanggang pagmamahal. Kaya inilapit kita sa aking sarili na may matapat na kasunduan.