Isaiah 43:9
Ang lahat ng bansa ay sama-samang magtitipon, at magpupulong ang mga bayan. Sino sa kanilang ang maaaring makapagsasabi nito at makapagpapahayag ng mga unang kaganapan? Hayaan silang dalhin ang kanilang saksi para patuyan na sila ay tama, hayaan silang makinig at pagtibayin, 'ito ay katotohanan,'
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
8Ilabas ang mga bulag na may mga mata, at ang bingi, kahit siya ay may mga tainga.
Cross References
Joshua 24:15Kung tila mali ito sa inyong mga paningin para sambahin ninyo si Yahweh, kayo na mismo ang pumili ngayong araw na ito kung sino ang inyong paglilingkuran, kung ang mga diyos na sinamba ng inyong mga ninuno sa ibayo ng Eufrates o ang mga diyos ng mga Amoreo, kung saang lupain kayo naninirahan. Pero para sa akin at sa aking sambahayan, sasambahin namin si Yahweh.”
1 Kings 18:36Ito ang naganap sa oras ng pag-aalay ng pang gabing handog, si Elias na propeta ay lumapit at sinabi, “ Yahweh, na Diyos ni Abraham, ni Isaac, at ng Israel, hayaang malaman sa araw na ito na ikaw ang Diyos sa Israel, at ako ang iyong lingkod, at aking ginagawa ang lahat ng bagay sa iyong salita.
Psalms 50:1Ang Tanging Makapangyarihan, ang Diyos, si Yahweh, ay nagsalita at tinawag ang daigdig mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito.
Isaiah 41:21“Ihain mo ang iyong kaso”, sabi ni Yahweh, “sabihin mo ang iyong pinakamagagaling na katuwiran para sa iyong mga diyus-diyusan', sabi ng Hari ni Jacob.
Isaiah 43:26Ipaalaala mo sa akin kung ano ang nangyari. Magkasama tayong pagusapan ito; Ihain mo ang iyong hangarin, para mapatunayang ikaw ay walang kasalanan.
Isaiah 44:7Sino ang katulad ko? Hayaan siyang ipahayag ito at ipaliwanag sa akin ang mga nangyari simula nang aking itinatag ang sinaunang bayan, at hayaan silang ipahayag ang mga pangyayaring darating.