Isaiah 45:5
Ako si Yahweh, at walang iba; walang ibang Diyos maliban sa akin. Bibigyan kita ng sandata para sa digmaan, kahit hindi mo ako kinilala;
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 4:39Kaya alamin sa araw na ito, at ilagay ito sa inyong puso, na si Yahweh ay Diyos sa ibabaw ng langit at sa ilalim ng lupa; walang iba pa.
1 Kings 8:60na ang lahat ng tao dito sa mundo ay malaman na si Yahweh, siya ay Diyos at wala ng iba pang Diyos!
Job 12:18Tinatanggal niya ang hanay ng kapangyarihan mula sa mga hari; binabalutan niya ng tela ang kanilang mga baywang.
Psalms 18:32Ang Diyos ang nagbibigay ng lakas sa akin tulad ng isang sinturon, na nagdadala sa isang matuwid na tao sa kaniyang landas.
Psalms 18:39Dahil binigyan mo ako ng lakas tulad ng sinturon para sa digmaan; inilagay mo ako sa ilalim ng mga nag-aalsa laban sa akin.
Isaiah 22:21Idadamit ko sa kaniya ang iyong tunika at ilalagay ko sa kaniya ang iyong bigkis, at ililipat ko ang iyong kapangyarihan sa kaniyang kamay. Siya ang magiging ama ng mga naninirahan sa Jerusalem at sa tahanan ng Juda.