Isaiah 45:7
Ako ang lumikha ng liwanag at dilim; Ako ang nagbibigay ng kapayapaan at lumilikha ng kapahamakan; Ako si Yahweh, na gumagawa ng lahat ng bagay na ito.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 1:17Inilagay sila ng Diyos sa langit upang magbigay liwanag sa ibabaw ng mundo,
Exodus 14:20Dumating ang ulap sa pagitan ng kampo ng Ehipto at sa kampo ng Israel. Isang madilim na ulap sa mga taga-Ehipto pero inilawan naman ang gabi para sa mga Israelita. Kaya hindi nakalapit ang isang panig sa kabila buong gabi.
Job 2:10Pero sinabi niya sa kaniyang asawa, “Kung makapagsalita ka parang wala kang isip, hindi mo ba naisip na hindi lang kabutihan ang maaari nating maranasan sa kamay ng Diyos at maaari rin tayong makaranas ng masama?” Sa lahat ng pangyayaring ito, hindi nagkasala si Job sa kaniyang mga labi.
Job 34:29Kapag siya ay nanatiling tahimik, sino ang maaring magparatang sa kaniya? Kung itatago niya ang kaniyang mukha, sino ang maaring makakakilala sa kaniya? Namamahala siya sa lahat ng bansa at bawat tao,
Psalms 29:11Si Yahweh ang nagbibigay-lakas sa kaniyang bayan; Pinagpapala ni Yahweh ng kapayapaan ang kaniyang bayan.
Psalms 75:7Pero ang Diyos ang hukom; binababa niya ang isa at itinataas ang iba.