Isaiah 47:11
Magagapi ka ng sakuna; hindi mo matataboy ito gamit ang iyong mga dasal. Babagsak sa iyo ang pagkawasak; hindi mo ito makakayang salagin. Bigla kang tatamaan ng kalamidad, bago mo pa ito malaman.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Nehemiah 4:11At sinabi ng aming mga kaaway, “Hindi nila malalaman o makikita hanggang makalapit kami sa kanila at mapatay sila, at mapatigil ang trabaho.”
Isaiah 37:36Pagkatapos ay dumating ang angel ni Yahweh at lumusob sa kampo ng Asiria, pinatay ang 185, 000 na sundalo. Nang maagang gumising ang mga kawal, nagkalat ang patay kahit saan.
Daniel 5:25At ito ang kaniyang isinulat: MENE, MENE, TEKEL, UPHARSIN.
Matthew 18:34Nagalit ang kaniyang amo at ibinigay siya sa mga tagapagpahirap hanggang sa mabayaran niya ang lahat ng kaniyang mga inutang.
1 Thessalonians 5:3Kapag sinabi nilang “Kapayapaan at kaligtasan,” at biglang darating sa kanila ang pagkawasak. Ito ay magiging katulad ng sakit sa panganganak ng isang babaeng buntis. Hindi sila makakatakas dito sa anumang paraan.
Revelation 18:9Ang mga hari ng mundo na nakagawa ng mga sekswal na imoralidad at hindi nakapagpigil kasama niya ay tatangis at mananaghoy sa kaniya kapag nakita nila ang usok ng kaniyang pagkakasunog.