Isaiah 48:13
Oo, ang kamay ko ang naglagay ng pundasyon ng mundo, at ang aking kanang kamay ang naglatag ng kalangitan; kapag tinatawag ko sila, sama-sama silang tumatayo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
12Makinig kayo sa akin, Jacob, at Israel, na tinawag ko: Ako ay siya; Ako ang una, Ako rin ang huli.
Cross References
Job 37:18Kaya mo bang palawakin ang himpapawid gaya ng ginawa niya - ang himpapawid, na kasing tibay ng salaming bakal?
Psalms 119:89Mananatili ang salita mo, Yahweh, magpakailanman; matatag ang salita mo sa kalangitan.
Psalms 148:5Hayaan silang purihin ang pangalan ni Yahweh, dahil binigay niya ang utos at sila ay nalikha.
Isaiah 40:22Siya ang nakaupo sa itaas ng kapatagan ng lupa; at ang mga naniniraha'y tulad ng tipaklong sa harap niya. Kaniyang nilatag ang kalangitan tulad ng isang kurtina at inuunat ito tulad ng isang tolda para matirhan.
Isaiah 42:5Ito ang sinabi ni Yahweh ating Diyos, na siyang lumikha ng kalangitan at naglatag sa kanila; siyang naglatag ng mundo at binigyang buhay ito; siyang nagbigay ng hininga sa mga tao doon, at buhay sa mga namumuhay doon:
Isaiah 45:18Ito ang sinasabi ni Yahweh, na lumikha ng kalangitan, ang tunay na Diyos na gumawa ng lupa at lumikha nito, na siyang nagtatag nito. Kaniyang nilikha ito, hindi para masayang, para panahanan: “Ako si Yahweh, at wala akong kapantay.