Isaiah 48:17
Ito ang sinasabi ni Yahweh, ang inyong Tagapagligtas, ang Banal ng Israel, “Ako si Yahweh na Diyos ninyo, na nagtuturo sa inyo kung paano magtagumpay, na nangunguna sa inyo sa landas na dapat ninyong tahakin.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Joshua 3:4Dapat may pagitan ito ng dalawang libong kubit sa inyo. Huwag kayong lalapit dito, para makita ninyo kung alin ang daraanan, dahil hindi pa ninyo dinaanan ang daang ito dati.”
Job 22:21Ngayon, sumang-ayon ka sa Diyos at makipagpayapaan sa kaniya; sa ganoong paraan, darating sa iyo ang kabutihan.
Psalms 25:8Si Yahweh ay mabuti at matuwid; kaya itinuturo niya ang daan sa mga makasalanan.
Psalms 32:8Pangangaralan kita at ituturo sa iyo ang daan na dapat mong lakaran. Pangangaralan kita habang nagmamasid ako sa iyo.
Psalms 73:24Gagabayan mo ako ng iyong payo at pagkatapos tanggapin mo ako sa kaluwalhatian.
Isaiah 30:20Kahit na binibigyan kayo ni Yahweh ng tinapay ng kahirapan at tubig ng kalungkutan, kahit gayon, hindi na itatago ng inyong guro ang kanyang sarili, pero makikita ninyo ang inyong guro sa sarili ninyong mga mata.