Isaiah 48:6
Narinig ninyo ang tungkol sa mga bagay na ito; tingnan ninyo ang lahat ng mga patunay na ito; at kayo, hindi ba ninyo aaminin na totoo ang sinabi ko? Mula ngayon, mga bagong bagay ang ipapakita ko sa inyo, mga nakatagong bagay na hindi ninyo alam.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Psalms 40:9Pinahayag ko ang magandang balita ng iyong katuwiran sa malaking pagtitipon; Yahweh, alam mong hindi ko mapipigilan ang labi ko sa pagsasabi nito.
Psalms 78:3Ito ang mga bagay na narinig at natutunan natin, mga bagay na sinabi sa atin ng ating mga ninuno.
Psalms 119:13Ipinahayag ng aking bibig ang lahat nang matuwid na utos na ipinakita mo.
Isaiah 21:10Ang aking mga giniik at mga tinahip, mga anak ko sa aking giikan! Ipinahayag ko sa inyo ang aking narinig mula kay Yahweh ng mga hukbo, Diyos ng Israel.
Isaiah 42:9Tingnan mo, ang mga nakaraang mga bagay ay nangyari na, ngayon ay ipapahayag ko ang mga bagong kaganapan. Bago sila magsimulang mangyari sasabihin ko sa iyo ang tungkol sa kanila.”
Isaiah 43:8Ilabas ang mga bulag na may mga mata, at ang bingi, kahit siya ay may mga tainga.