Isaiah 49:1
Makinig kayo sa akin, kayong mga baybayin! At magbigay kayo ng pansin, kayong mga malalayong tao. Tinawag ako ni Yahweh sa pangalan mula sa kapanganakan, nang dinala ako ng aking ina sa mundo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Isaiah 7:14Dahil diyan, ang Panginoon mismo ang magbibigay sa iyo ng tanda: masdan mo, nagbubuntis ang isang babae, magsisilang ng isang sanggol na lalaki, at tatawagin ang kaniyang pangalan na Immanuel.
Isaiah 41:1Sa aking harapan ay makinig kayo nang tahimik, kayong mga nakatira sa baybayin; hayaan niyong bumalik ang lakas ng mga bansa; hayaan silang lumapit at magsalita; hayaan tayong magkasamang lumapit para pag-usapan ang hindi pagkakaunawaan.
Isaiah 42:12Hayaan silang magbigay kaluwalhatian kay Yahweh at magpahayag ng kaniyang papuri sa mga baybayin.
Isaiah 44:24Ito ang sinasabi ni Yahweh, iyong Manunubos, na siyang humubog sa iyo mula sa sinapupunan: Ako si Yahweh, na gumawa ng lahat ng bagay, na nag-iisang naglatag ng kalangitan, na nagiisang naghugis ng kalupaan.
Isaiah 46:3Makinig kayo sa akin, sambahayan ni Jacob, at lahat kayo, ang mga nalabi sa sambahayan ni Jacob, kayong inalagaan ko mula sa inyong pagsilang, na maalagaan mula sa sinapupunan:
Isaiah 51:5Ang aking katuwiran ay malapit na; lalabas ang aking kaligtasan, at hahatulan ng aking bisig ang mga bansa; hihintayin ako ng mga baybayin; sabik nilang hihintayin ang aking bisig.