Isaiah 49:26
At ipapakain ko sa mga nang-aapi sa iyo ang sarili nilang laman; at malalasing sila sa sarili nilang dugo, na para bang alak ito; at ang buong sangkatauhan ay malalaman na Ako, si Yahweh, ang iyong Tagapagligtas at Manunubos, ang Makapangyarihan ng Jacob.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 6:7Dadalhin ko kayo sa aking sarili bilang aking bayan, at ako ay inyong magiging Diyos. Malalaman ninyo na ako si Yahweh, ang inyong Diyos, na nagdala sa inyo palabas mula sa pagkaalipin sa ilalim ng mga taga-Ehipto.
Psalms 9:16Hinayag ni Yahweh ang kaniyang sarili; nagsagawa siya ng paghatol; nahuli sa patibong ang masama dahil sa sarili niyang mga ginawa. Selah
Psalms 83:18At malalaman nila na ikaw lamang, Yahweh, ang Kataas-taasan sa buong mundo.
Isaiah 9:20Hihiwa sila ng laman sa kanilang kanang kamay pero magugutom pa rin sila; kakainin nila ang laman ng kanilang kaliwang kamay pero hindi sila mabubusog.
Isaiah 43:1Pero ngayon ito ang sinasabi ni Yahweh, ang siyang lumikha sa iyo, Jacob, at siyang humubog sa iyo, Israel: “huwag kang matakot, sapagkat tinubos kita; tinawag kita sa iyong pangalan, ikaw ay akin.
Isaiah 45:6Para malaman ng mga tao mula sa pagsikat ng araw, at mula sa kanluran, na walang ibang diyos maliban sa akin: ako si Yahweh, at wala ng iba.