Isaiah 49:8
Ito ang sinasabi ni Yahweh, “Sa oras na napagpasyahan kong ipakita ang aking pabor, sasagutin kita, at sa araw ng kaligtasan tutulungan kita; pangangalagaan kita, at ibibigay kita bilang isang tipan para sa mga tao, para itayo muli ang lupain, para itakda muli ang pinabayaang pamana.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Psalms 2:8Hilingin mo sa akin, at ibibigay ko sa iyo ang mga bansa para sa iyong mana at ang pinakamalalayong mga bahagi ng lupain para sa iyong pag-aari.
Psalms 75:3Kahit na ang mundo at lahat ng mga naninirahan ay nanginginig sa takot, papanatagin ko ang mga haligi ng daigdig. Selah
Isaiah 42:1Masdan, aking lingkod, na aking itinataas; ang aking pinili, sa kaniya ako ay nagagalak. Ang aking Espiritu ay nasa kaniya; siya ang magdudulot ng katarungan sa mga bansa.
Isaiah 44:26Ako si, Yahweh! - ang nagpapatupad ng mga pahayag ng kaniyang lingkod at isinasagawa ang payo ng kaniyang mga mensahero, na nagsasabi ng tungkol sa Jerusalem, 'Siya ay pananahanan' at ang mga lungsod ng Juda, sila ay muling itatatag, at ibabangon ko ang kanilang mga wasak na lugar'
Isaiah 50:7Dahil tutulungan ako ng Panginoong si Yahweh; kaya hindi ako napahiya; kaya ginawa kong matigas na bato ang mukha ko, dahil alam kong hindi ako malalagay sa kahihiyan.
Isaiah 51:16Nilagay ko ang aking mga salita sa inyong bibig, at tinakpan ko kayo ng anino ng aking kamay, para matanim ko ang kalangitan, mailatag ang mga pundasyon ng mundo, at sabihin sa Sion, 'Kayo ang aking bayan.'”