Isaias 51:15
Dahil ako si Yahweh na inyong Diyos, na ginagambala ang dagat, para dumagundong ang mga alon—Yahweh ng mga hukbo ang kaniyang pangalan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
But I am the LORD thy God, that divided the sea, whose waves roared: The LORD of hosts is his name.
In Context
Cross References
Exodus 6:7Dadalhin ko kayo sa aking sarili bilang aking bayan, at ako ay inyong magiging Diyos. Malalaman ninyo na ako si Yahweh, ang inyong Diyos, na nagdala sa inyo palabas mula sa pagkaalipin sa ilalim ng mga taga-Ehipto.
Job 26:12Pinakalma niya ang dagat sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan; sa pamamagitan ng kaniyang pang-unawa, winasak niya si Rahab.
Psalms 114:3Nakita ito ng dagat, at tumakas ito; umatras ang Jordan.
Isaiah 47:4Ang aming Tagapagligtas, Yahweh ng mga hukbo ang kaniyang pangalan, ang Banal ng Israel.
Isaiah 51:10Hindi ba ikaw ang nagpatuyo ng dagat, ang tubig ng kailaliman, at ginawang daanan ang kailaliman ng dagat para makadaan ang mga iniligtas?
Jeremiah 10:16Ngunit hindi nito katulad ang Diyos na kabahagi ni Jacob sapagkat siya ang humubog sa lahat ng bagay. Ang Israel ang tribo ng kaniyang mana, Yahweh ng mga hukbo ang kaniyang pangalan.