Isaiah 51:6
Itaas ninyo ang inyong mga mata sa himpapawid, at tingnan ninyo ang lupa sa ibaba, dahil maglalaho ang kalangitan tulad ng usok, masisira ang mundo tulad ng damit, at mamamatay ang mga naninirahan dito na parang mga langaw. Pero ang aking kaligtasan ay magpapatuloy magpakailanman, at ang aking katuwiran ay hindi titigil na kumilos.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 4:19Maging maingat kayo kapag titingala kayo sa kalangitan at titingnan sa araw, buwan, o mga bituin—lahat ng mga hukbo sa kalangitan— maging maingat kayo na hindi mapalayo para sumamba at pakamahalin ang mga ito—ang mga bagay na iyon na itinalaga ni Yahweh na inyong Diyos doon para sa lahat ng mga tao na nasa ilalim ng buong himpapawid.
Psalms 102:25Nang mga sinaunang panahon inilagay mo sa lugar ang daigdig; ang kalangitan ay gawa ng iyong mga kamay.
Psalms 111:3Ang kaniyang mga gawain ay dakila at maluwalhati, at ang kaniyang katuwiran ay mananatili magpakailanman.
Isaiah 34:4Lahat ng bituin sa kalawakan ay maglalaho, at ang kalawakan ay ibabalumbon gaya ng isang balumbon ng kasulatan; at lahat ng kanilang mga bituin ay maglalaho, gaya ng dahon na nalalagas mula sa patay na puno ng ubas, at gaya ng labis na hinog ng mga igos mula sa puno ng igos.
Isaiah 45:17Pero ang Israel ay ililigtas ni Yahweh nang walang hanggang kaligtasan; kayo ay hindi na muli mapapahiya.
Isaiah 51:8Dahil kakainin sila ng gamu-gamo tulad ng damit, at kakainin sila ng bulate tulad ng lana; pero ang aking katuwiran ay magpakailanman, at ang aking kaligtasan sa lahat ng salinlahi.”