Isaiah 51:9
Gumising ka, gumising ka, damitan mo ng kalakasan ang iyong sarili, bisig ni Yahweh. Gumising ka tulad nung nakaraan, ang mga salinlahi ng mga sinaunang panahon. Hindi ba ikaw ang dumurog sa halimaw ng dagat, ikaw na sumaksak sa dragon?
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Judges 6:13Sinabi ni Gideon sa kaniya, “O, aking panginoon, kung si Yahweh ay kasama namin, bakit nagyayari ang lahat ng ito sa amin? Nasaan na ang lahat ng kaniyang mga dakilang gawa na sinabi sa amin ng aming mga ama, nang sinabi nilang, 'Hindi ba si Yahweh ang nag-alis sa atin mula sa Ehipto?' Pero ngayon pinabayaan kami at ibinigay kami ni Yahweh sa kapangyarihan ng Midian.”
Job 26:12Pinakalma niya ang dagat sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan; sa pamamagitan ng kaniyang pang-unawa, winasak niya si Rahab.
Psalms 21:13Maitanghal, ka Yahweh, sa iyong lakas; aawitin at pupurihin namin ang iyong kapangyarihan.
Psalms 44:2Pinalayas mo ang mga bansa gamit ang iyong kamay, pero itinanim mo ang aming bayan; pinahirapan mo ang mga tao, pero ikinalat mo ang aming bayan sa buong lupain.
Psalms 44:24Tumindig ka, huwag mo kaming ilayo ng tuluyan. Bakit mo tinatago ang iyong mukha at kinakalimutan ang aming paghihirap at kaapihan?
Psalms 74:13Hinati mo ang dagat sa pamamagitan ng iyong lakas; dinurog mo ang mga ulo ng halimaw na nasa dagat.