Isaiah 52:11
Umalis kayo, umalis kayo, lumabas kayo roon; huwag kayong humipo ng kahit anong maruruming bagay; umalis kayo sa kaniyang kalagitnaan; dalisayin ninyo ang inyong mga sarili, kayong mga nagdadala ng mga sisidlan ni Yahweh.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 5:2O kung sinuman ang makakahipo ng anumang bagay na itinalaga ng Diyos bilang marumi, maging patay na katawan ito ng isang marumi na mabangis na hayop o katawan ng anumang mga hayop na patay, o gumagapang na hayop, kahit na hindi sinasadyang mahipo ito ng tao, siya ay marumi at nagkasala.
Leviticus 11:26Marumi para sa inyo ang bawat hayop na hindi ganap na nahati ang kuko o hindi ngumunguya ng pagkain. Magiging marumi ang bawat isa na hahawak sa kanila.
Leviticus 11:47kung saan gagawa ng pagkakaiba sa pagitan ng marumi at ng malinis, at sa pagitan ng nabubuhay na mga bagay na maaaring kainin at ang nabubuhay na mga bagay na hindi maaaring kainin”
Leviticus 21:6Dapat silang ibukod para sa kanilang Diyos, at hindi ipahiya ang pangalan ng kanilang Diyos, dahil ang mga pari ang naghahandog ng mga alay kay Yahweh sa pamamagitan ng apoy, ang “pagkain” ng kanilang Diyos. Kaya dapat silang ibukod.
Numbers 16:26Nagsalita siya sa sambayanan at sinabi, “Ngayon iwanan ang mga tolda ng mga masamang lalaking ito at huwag humawak ng anumang bagay na nabibilang sa kanila, o malilipol kayo sa pamamagitan ng lahat ng kanilang kasalanan.”
Ezra 1:7Ibinalik din ni Haring Ciro ang mga kagamitang nabibilang sa templo ni Yahweh na dinala ni Nebucadnezar mula sa Jerusalem at inilagay sa tahanan ng kaniyang sariling mga diyos.