Isaiah 52:7
Kay ganda sa mga kabundukan ang mga paa ng mensahero na nagdadala ng mabuting balita, na siyang nagpapahayag ng kapayapaan, na nagdadala ng mga mabuting balita, na nagpapahayag ng kaligtasan, na sinasabi sa Sion, “Ang Diyos ninyo ay naghahari!”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Psalms 59:13Tupukin mo sila sa poot, tupukin mo sila para sila ay mawala na; hayaan mo silang malaman na namumuno ang Diyos kay Jacob at sa dulo ng mundo. Selah
Psalms 93:1Si Yahweh ay naghahari; siya ay binabalutan ng kamaharlikahan; si Yahweh ay nakadamit ng kalakasan; sinusuot niya ito na parang isang sinturon. Ang mundo ay matatag na itinayo; hindi ito matitinag.
Psalms 97:1Naghahari si Yahweh; hayaang magalak ang daigdig; hayaang matuwa ang maraming kapuluan.
Psalms 98:3Inaalala niya ang kaniyang tipan ng kagandahang loob at katapatan para sa sambahayan ng Israel; lahat ng mga hangganan ng daigdig ay makikita ang katagumpayan ng ating Diyos.
Song of Solomon 2:8Nanjan na ang tinig ng aking minamahal! O, parating na siya rito, lumulukso sa ibabaw ng mga bundok, tumatalon sa ibabaw ng mga burol.
Isaiah 33:22Dahil si Yahweh ay ating hukom, si Yahweh ay ating tagapagbigay ng batas, si Yahweh ay ating hari; ililigtas niya tayo.