Isaias 53:12
Kaya ibibigay ko sa kanya ang kanyang kabahagi sa gitna ng maraming tao, at hahatiin niya ang mga nasamsam sa karamihan, dahil inilantad niya ang kanyang sarili sa kamatayan at ibinilang siyang kasama ng mga makasalanan. Dinala niya ang kasalanan ng marami at namagitan siya para sa mga makasalanan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 3:15Maglalagay ako ng poot sa pagitan mo at ng babae, at sa pagitan ng iyong binhi at ng kanyang binhi. Dudurugin niya ang iyong ulo, at tutuklawin mo ang kanyang sakong.”
Psalms 22:14Ako ay parang natapong tubig, at lahat ng aking mga buto ay nalinsad. Ang aking puso ay tulad ng pagkit; natutunaw ito sa kaloob-loobang bahagi ko.
Isaiah 49:24Maaari bang makuha ang mga nasamsam mula sa mandirigma, o masagip ang mga bihag mula sa taong malupit?
Isaiah 52:15kaya gugulatin niya ang maraming bansa; ititikom ng mga hari ang kanilang mga bibig dahil sa kanya. Na kung saan sila hindi nasabihan, makikita nila, na kung saan sila hindi narinig, ay mauunawaan nila.
Isaiah 53:8Sa pamamagitan ng pamimilit at paghuhusga siya ay hinatulan; sino mula sa henerasyon iyon ang nakaalala pa sa kanya? Pero siya ay nahiwalay mula sa lupain ng mga buhay; dahil sa mga kasalanan ng aking bayan ay ipinataw sa kanya ang parusa.
Daniel 2:45Gaya ng iyong nakita, isang batong natibag sa bundok, ngunit hindi sa pamamagitan ng mga kamay ng tao. Dinurog nito ang bakal, tanso, putik, pilak at ginto nang pira-piraso. Ipinaalam sa iyo ng dakilang Diyos, hari, ang mangyayari pagkatapos nito. Ang panaginip ay totoo at ang pagpapaliwanag na ito ay maaasahan.”