Isaias 54:6
Dahil tinatawag kayo muli ni Yahweh bilang asawa napabayaan at nagdadalamhati sa espiritu, gaya ng isang babaeng maagang nag-asawa at itinakwil, Ang sabi ng iyong Diyos.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
7Sa maikling sandali ay pinabayaan ko kayo, pero sa matinding kahabagan ay titipunin ko kayo.
Cross References
Ecclesiastes 9:9Masaya kang mamuhay kasama ang iniibig mong asawa sa lahat ng araw ng buhay mo nang walang pakinabang, ang mga araw na ibinigay sa iyo ng Diyos sa ilalim ng araw sa mga araw nang walang pakinabang. Iyon ang gantimpala ng buhay mo para sa ginawa mo sa ilalim ng araw.
Isaiah 50:1Ito ang sinasabi ni Yahweh, “Nasaan ang katibayan ng paghihiwalay na ginamit ko para hiwalayan ang inyong ina? At kanino sa mga tagapagbili ko kayo pinagbili? Tingnan ninyo, pinagbili kayo dahil sa inyong mga kasalanan, at dahil sa inyong paghihimagsik, pinatapon ang inyong ina.
Jeremiah 30:17Sapagkat magdadala ako ng kagalingan sa iyo, pagagalingin ko ang iyong mga sugat, ito ang pahayag ni Yahweh. Gagawin ko ito dahil tinawag ka nilang: Itinakwil. Walang nagmamalasakit sa Zion na ito.”'
Hosea 2:14Kaya susuyuin ko siya upang manumbalik. Dadalhin ko siya sa ilang at magiliw ko siyang kakausapin.
Matthew 11:28Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at lubhang nabibigatan at bibigyan ko kayo ng kapahingahan.
2 Corinthians 7:9Ngayon, masaya ako, hindi dahil sa kayo ay nagdadalamhati, ngunit dahil sa ang inyong kalungkutan ang naging daan sa inyong pagsisisi. Nakaranas kayo ng kalungkutan mula sa Diyos, kaya hindi nasayang ang inyong pagdurusa dahil sa amin.