Isaiah 55:8
Dahil ang aking mga kaisipan ay hindi ninyo mga kaisipan, ni ang inyong mga kaparaanan ay aking kaparaanan—ito ay pahayag ni Yahweh tungkol sa kanyang sarili—
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
For my thoughts are not your thoughts, neither are your ways my ways, saith the LORD.
In Context
Cross References
1 Samuel 16:7Ngunit sinabi ni Yahweh kay Samuel, “Huwag kang tumingin sa kanyang panlabas na anyo, o sa taas ng kanyang tindig; dahil tinanggihan ko siya. Sapagka't hindi tumitingin si Yahweh katulad nang pagtingin ng tao; sa panlabas na anyo tumitingin ang tao, ngunit sa puso tumitingin si Yahweh.”
2 Kings 5:11Pero nagalit si Naaman at umalis, sinasabing, “Tingnan mo, akala ko siguradong lalabas siya para sa akin at tatayo at tatawag sa pangalan ni Yahweh na kaniyang Diyos, at ikukumpas ang kamay niya sa buong katawan ko para pagalingin ako sa aking ketong.
Psalms 25:10Ang lahat ng mga landas ni Yahweh ay ginawa mula sa katapatan sa tipan at pagiging mapagkakatiwalaan sa mga nag-iingat ng kanyang tipan at kanyang mga tapat na kautusan.
Psalms 92:5Napakadakila ng iyong mga gawa, Yahweh! Ang iyong kaisipan ay napakalalim.
Proverbs 25:3Tulad ng kalangitan ay para sa taas at ang lupa para sa lalim, gayun din ang puso ng mga hari ay hindi malirip.
Jeremiah 3:1“Sinabi nila, 'Pinapaalis ng isang lalaki ang kaniyang asawa, kaya umalis siya at naging asawa ng ibang lalaki. Dapat ba siyang bumalik muli sa kaniyang asawang babae? Hindi ba siya ganap ng marumi?' Ang babaing iyan ay ang lupaing ito! Kumilos ka na gaya ng babaing bayaran na may maraming kakampi at ngayon nais mo bang bumalik sa akin? Ito ang pahayag ni Yahweh.