Isaiah 56:4
Dahil ito ang sinasabi ni Yahweh, “Sa mga eunuko na sumusunod sa aking mga Araw ng Pamamahinga at pumipili kung ano ang nakalulugod sa akin at mahigpit na pinanghahawakan ang aking tipan—
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Joshua 24:15Kung tila mali ito sa inyong mga paningin para sambahin ninyo si Yahweh, kayo na mismo ang pumili ngayong araw na ito kung sino ang inyong paglilingkuran, kung ang mga diyos na sinamba ng inyong mga ninuno sa ibayo ng Eufrates o ang mga diyos ng mga Amoreo, kung saang lupain kayo naninirahan. Pero para sa akin at sa aking sambahayan, sasambahin namin si Yahweh.”
Psalms 25:10Ang lahat ng mga landas ni Yahweh ay ginawa mula sa katapatan sa tipan at pagiging mapagkakatiwalaan sa mga nag-iingat ng kanyang tipan at kanyang mga tapat na kautusan.
Isaiah 27:5kung hahawakan nila ng maiigi ang aking pag-iingat at makipag kasundo sa akin; hayaan silang makipag kasundo sa akin.
Isaiah 56:2Mapalad ang taong gumagawa nito, at sa sinumang mahigpit na humahawak dito. Sumusunod siya sa Araw ng Pamamahinga, hindi niya ito dinudungisan, at iniingatan ang kanyang kamay mula sa paggawa ng anumang kasamaan.”
Jeremiah 50:5Tatanungin nila ang daan papuntang Zion at tutungo sila roon. Pupunta sila at makikipag-isa kay Yahweh para sa isang tipan na hindi masisira kailanman.
Hebrews 6:17Nang nagpasya ang Diyos na ipakita ng mas malinaw sa mga tagapagmana ng pangako ang hindi nagbabagong katangian ng kaniyang layunin, tiniyak niya ito ng may panunumpa.