Isaiah 57:2
Siya ay pumapasok sa kapayapaan; magpapahinga sila sa kanilang mga higaan, silang mga lumalakad sa kanilang katapatan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
He shall enter into peace: they shall rest in their beds, each one walking in his uprightness.
In Context
Cross References
2 Chronicles 16:14Inilibing nila siya sa kaniyang sariling libingan, na ipinahukay niya sa lungsod ni David para sa kaniyang. Inilagay siya sa kabaong na puno ng mababangong amoy at iba't ibang uri ng pabango na inihanda ng mga taong mahusay gumawa ng pabango. Pagkatapos, gumawa sila ng napakalaking apoy bilang parangal sa kaniya.
Ecclesiastes 12:7bago bumalik ang alabok sa lupa kung saan ito nanggaling, at bumalik sa Diyos ang espiritu na siyang nagbigay nito.
Isaiah 26:7Ang daan ng matuwid ay patag, Siyang Matuwid; ginawa mong tuwid ang daan ng mga matuwid.
Ezekiel 32:25Naglatag sila ng isang nirolyong/binilot na higaan para kay Elam at lahat niyang mga lingkod sa gitna/kalagitnaan ng mga pinatay; Nakapalibot sa kaniya ang kaniyang mga libingan! Silang lahat ay mga hindi tuli, silang mga pinatay sa pamamagitan ng espada, sila na nagdala ng kanilang mga kakila-kilabot sa lupain ng mga buhay! Kaya dala-dala nila ang kanilang sariling kahihiyan na nasa kanila, kasama ang mga bumababa sa hukay sa gitna ng mga pinatay, iyong mga pababa sa hukay. Si Elam ay nasa gitna ng lahat ng mga pinatay.
Luke 1:6Kapwa sila matuwid sa harapan ng Diyos; sila ay namuhay nang walang kapintasan sa lahat ng mga utos at alituntunin ng Panginoon.
Luke 7:50At sinabi ni Jesus sa babae, “Ang iyong pananampalataya ang nagligtas sa iyo. Humayo ka nang payapa.”