Isaias 58:11
Kung ganoon patuloy kayong pagungunahan ni Yahweh at bibigyan kayo ng kasiyahan sa mga rehiyon kung saan walang tubig, at palalakasin niya ang inyong mga buto. Kayo ay magiging katulad ng isang nadiligang hardin, at katulad ng isang bukal ng tubig, na hindi natutuyuan ng tubig kailanman.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 15:4Ganoon pa man, wala dapat sa inyo ang mahirap (sapagkat tiyak na pagpapalain kayo ni Yahweh sa lupain na ibibigay niya sa inyo bilang isang pamana para angkinin),
Job 6:15Pero naging matapat ang mga kapatid ko sa akin, na tulad ng mga batis sa disyerto, na tulad ng mga daluyan ng tubig na natutuyo,
Psalms 25:9Pinapatnubayan niya ang mapagpakumbaba na may katarungan at itinuturo niya ang kanyang daan sa mga mapagpakumbaba.
Psalms 33:19para mailigtas ang kanilang mga buhay mula sa kamatayan at panatilihin silang buhay sa mga panahon ng taggutom.
Psalms 37:19Hindi sila mahihiya sa panahon ng problema. Sa panahon na dumating ang taggutom, sila ay may sapat na kakainin.
Psalms 73:24Gagabayan mo ako ng iyong payo at pagkatapos tanggapin mo ako sa kaluwalhatian.