Isaiah 58:13
Ipagpalagay ninyo na tumalikod kayo mula sa paglalakbay sa Araw ng Pamamahinga, at mula sa ginagawa ninyong sariling kasiyahan sa aking banal na araw. Ipagpalagay ninyo na ang Pamamahinga ay tinatawag ninyong isang kasiyahan, at tinatawag ninyo na banal at pinarangalan ang mga bagay ni Yahweh. Ipagpalagay ninyo na pinararangalan ninyo ang Araw ng Pamamahinga sa pamamagitan ng pag-iwan ng inyong sariling negosyo, at sa pamamagitan ng hindi paghahanap ng sarili ninyong kasiyahan at sa pamamagitan ng hindi pagsasalita ng sarili ninyong mga salita.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 20:8Alalahanin ninyo ang Araw ng Pamamahinga, ihandog ninyo ito sa akin.
Exodus 36:2Tinawag ni Moises sina Bezalel, Oholiab, at ang lahat ng taong bihasa na sa kaniyang pag-iisip ay pinagkalooban ni Yahweh ng kahusayan, at ang kanilang puso na napukaw ang kalooban na lumapit at gumawa ng gawain.
Deuteronomy 5:12Sundin ang Araw ng Pamamahinga para mapanatili itong banal, bilang utos ni Yahweh sa inyo.
Psalms 27:4Isang bagay ang aking hiniling kay Yahweh, at iyon ay aking hahanapin: na ako ay mananahan sa tahanan ni Yahweh sa lahat ng mga araw ng aking buhay, para makita ang kagandahan ni Yahweh at para magnilay-nilay sa kanyang templo.
Psalms 84:2Nananabik ako sa mga patyo ni Yahweh, pinagod ako ng aking pagnanais para dito. Ang aking puso at ang buo kong pagkatao ay tumatawag sa buhay na Diyos.
Psalms 92:1Ito ay isang mabuting bagay para magbigay ng pasasalamat kay Yahweh at para umawit ng papuri sa iyong ngalan, Kataas-taasan,